TESDA at LGU- Roxas, nagsagawa ng Livelihood Training sa Roxas, Palawan
Matagumpay ang isinagawang Livelihood Training sa pagsisikap ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at LGU-Roxas para sa mga residente ng Barangay Tinitian, Roxas, Palawan nito lamang ika-27 ng Oktubre 2024.
Nagbigay din ng malaking suporta ang Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team ng 2nd Palawan PMFC sa pangunguna ni PLtCol Mhardie R Azares, Force Commander sa isinagawang 2nd PPMFC R-PSB Immersion Program sa nasabing barangay.
Ang mga kalahok ay tinuruan ng mga lead trainer ng TESDA na sina Ms. Michelyn T. Calalin at Ms. Mariel Anne L. Ramos sa mga kasanayan ng “Foot Massage Therapy” na nagbibigay-diin sa kahalagahan nito, mga pangunahing pamamaraan at hakbang, mga benepisyo sa katawan, at kung paano ito gagawin. bilang alternatibong mapagkukunan ng kita.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong i-upgrade ang kakayahan ng komunidad sa paglaban sa mga isyu sa kalusugan at kahirapan.