Kamalayan sa Panganib ng Droga, tinalakay sa mga Mag-aaral ng Upper Pasonanca Elementary School
Tinalakay sa isang mahalagang lektura ukol sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinagawa para sa mga mag-aaral ng ika-5 at ika-6 na baitang sa Upper Pasonanca Elementary School, Zamboanga City nito lamang Miyerkules, ika-13 ng Nobyembre, 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Zamboanga City Police Station 7 sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Ramon C Aquuiatan Jr., Station Commander, sa pakikipagtulungan kay Ms. Joana Pino Piedad, ang Principal ng nasabing paaralan.
Layunin ng lektura na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa mga panganib at masasamang epekto ng ilegal na droga sa kanilang kalusugan at kinabukasan.
Sa pamamagitan ng lekturang ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay magiging mas maingat at maalam sa pag-iwas sa droga at sa mga tukso nito. Ang programa ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan at maayos na kinabukasan ng mga kabataan sa komunidad.