Advocacy Support Group, nagsagawa ng Bloodletting Activity sa South Cotabato

Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Advocacy Support Group na idinaos sa Brgy. Provincial Capital ng South Cotabato sa lungsod ng Koronadal nito lamang ika- 13 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng RST Balay Dalangpan Advocacy Support Group na dinaluhan ng mga tauhan ng 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company.

Layunin ng aktibidad na ito ay upang magtipon ng dugo na magiging malaking tulong sa mga pasyenteng may kanser, lalo na yaong mga nasa RST Balay Dalangpan Cancer Care, isang pasilidad na tumutulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong-medikal sa paglaban sa kanser.

Ang matagumpay na bloodletting activity na ito ay isang patunay ng malasakit ng mga Pilipino para sa kanilang kapwa, at isang paalala na sa bawat pagbibigay, may kaakibat itong pag-asa at pagmamahal. Panulat ni Arcy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *