Livelihood Program para sa mga Kababaihan, isinagawa sa Sariaya Quezon
Ganadong nakilahok ang mga kababaihan sa isinagawang Livelihood Training Program sa Barangay Limbon, Sariaya, Quezon nito lamang Lunes, ika-11 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sariaya Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Carlo C Caceres, Chief of Police na nilahukan ng Women Sector Advocacy Support Group ng Barangay Limbon.
Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman sa paggawa ng liquid soap na kanilang tinawag na Livelihood Program “Dishwashing Liquid” na labis na kinatuwa at pasasalamat ng mga lumahok.
Layunin ng aktibidad na makapagbigay kaalamang pangkabuhayan katuwang ang mga kapulisan upang matulungan kumita sa sariling kasanayan sa paglikha ng kanilang natutunan sa aktibidad at tulungan silang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay at makapag umpisa ng maliit na negosyo.