Medical Mission, isinagawa sa Malvar Batangas

Matagumpay na naisagawa ang Medical Mission para sa mga Senior Citizens na ginanap sa Sports Complex in Brgy Poblacion, Malvar Batangas noong ika-12 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Senior Citizens mula sa nasabing Lugar sa inisyatiba ni Senator Francis “Tol” Tolentino kasama ang anak na si Konsehal Michael Tolentino, sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Lipa at mga tauhan ng Malvar MPS.

Kasabay ng nasabing medical mission ang pamamahagi ng libreng wheelchairs, eyeglasses at mga pustiso.

Namahagi rin ng libreng gamot pang diabetes at hypertension para sa mga residente ng lungsod ng Malvar.

Nagkaroon din ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout sa bayan ng Malvar sa lalawigan ng Batangas.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabibigyang tulong ang ating mga mamamayan na lubos na nangagagailangan sa lipunan.

Ang ating mga stakeholders ay katuwang ng Pulisya sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo na makakatulong sa kanila upang magkaroon ng maginhawa na pamumuhay. Dahil isa ito sa layunin ng ating pamahalaan, ang mabigyan ng seguridad at kaginhawaan ang bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *