32nd Kauswagan Caravan, isinagawa sa Munisipalidad ng Rosario
Naglunsad ng 32nd Kauswagan Caravan ang Provincial Government ng Northern Samar kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Rosario Central Elementary School, Poblacion 2, Rosario, Northern Samar. Kasama na nakiisa sa aktibidad ang mga stakeholder, private sector, Rosario Municipal Police Station at Northern Samar Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director.
Mahahalagang serbisyo ang ibinahagi sa mahigit 2,400 pamilya mula sa mga Barangay ng Commonwealth, Gindaulan, Salhag, San Lorenzo, at Poblacion 2 sa munisipalidad ng Rosario, Northern Samar.
Nagbigay seguridad at namahagi rin ang kapulisan sa pamamagitan ng Police Provincial Human Rights Office ng mga informative reading materials at Women and Children Protection Assistance Desk.
Ang Kauswagan Caravan ay patuloy na maglalapit sa pamahalaan at sa mga serbisyo sa mga tao na tinitiyak na ang mga pangangailangan ng lahat ng Nortehanon ay natutugunan at ang mga higit na nangangailangan ay napaglilingkuran ng mabuti.