KKDAT Tanauan, nakilahok sa Drug Awareness Campaign sa Leyte

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Drug Awareness Campaign na ginanap sa Brgy. Tugop, Tanauan, Leyte nito lamang ika-8 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Tanauan Municipal Police Station na dinaluhan ng KKDAT at residente ng nasabing barangay.

Ito ay pagsusumikap ng gobyerno na labanan ang ilegal na droga at terorismo sa pamamagitan ng pagbibigay edukasyon at kamalayan sa mga kabataan.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong pagyamanin ang maayos na ugnayan sa pagitan ng PNP at ng komunidad, pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng komunidad partikular na ang mga epekto ng ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *