Sangguniang Kabataan, nakilahok sa isinagawang Awareness Lecture ng Bataan PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, sa isinagawang Awareness Lecture ng mga tauhan ng Orani Municipal Police Station na ginanap sa Barangay Masantol, Orani Bataan, nito lamang Linggo, ika-8 ng Oktobre 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Orani MPS sa pamumuno ni Police Captain Harold F Genetiano, Officer-In-Charge. Tinalakay sa naturang aktibidad ang kampanya kontra sa iligal na droga, na naging aktibong ang mga kabataan sa pakikinig sa naturang pagtuturo.
Layunin nitong makapagbahagi ng kaalaman sa mga kabataan tungkol sa mga batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensiya bilang pagtugon sa mga programa ng pamahaalan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.