Provincial Youth Development Council sumailalim sa Leadership Training
Matagumpay ang isinagawang Youth Leadership Training para sa mga miyembro ng Provincial Youth Development Council na ginanap sa Barangay Mainit, Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-13 ng Disyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Lokal na Pamahalaan ng Mt. Province katuwang ang mga tauhan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company at Mt. Province Police Provincial Office.
Ang kaganapan ay nagsilbing isang plataporma upang bigyan ang mga kabataang lider ng mahahalagang kasanayan sa pamumuno, pagpapatibay ng pagkakaisa at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Tampok din sa programa ang mga talakayan tungkol sa pagbibigay-kapangyarihan sa mga kabataan upang iayon sa mga layunin ng konseho na itaguyod ang sustainable at inclusive development. Ito rin ay isang pamamaraan ng ng himpilan ng Pamahalaan upang gabayan ang mga kabataan at bigyang diin ang halaga ng pag-unlad ng mga kabataan bilang bahagi ng holistic na diskarte nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.