CAGPTD, nakilahok sa Christmas Fellowship ng 1st Mountain Province PMFC
Nakilahok ang mga miyembro ng City Advisory Group for Police Transformation and Development (CAGPTD) sa isinagawang Christmas Fellowship sa 1st Mountain Province PMFC Headquarters, Otucan Norte, Bauko, Mountain Province noong ika-15 ng Disyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Daniel Fakat, katuwang ang mga benepisyaryo ng Educational Enhancement Program, mga pamilya at mga bisita.
Nagsimula ang akibidad sa pamamagitan ng isang misa ng pasasalamat na pinangunahan ni Father Johnson Falitang ng Saint Paul Anglican Church.
Highlight ng aktibidad ang pamamahagi ng mga nalikom na pera sa isinagawang CAGPTD Marksmanship Enhancement at Fun Shoot sa tatlong benepisyaryo bilang suporta sa kanilang mga gastusing pangmedikal noong ika-30 ng Nobyembre 2024.
Bukod pa rito, binigyan din ng cash assistance ang mge benepisyaryo ng Educational Enhancement Program, ang best practice ng nasabing yunit.
Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga benipisyaryo at mga dumalo sa nasabing aktibidad dahil sa mga biyayang natanggap.
Ang ganitong aktibidad ay lumilikha at nagpapalakas ng pangmatagalang alaala at mas lalong nagpapatibay sa ugnayan ng komunidad at kapulisan lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.