BPATs, nakilahok sa Symposium ng San Marcelino PNP

Nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Barangay Symposium na isinagawa ng mga tauhan ng San Marcelino Municipal Police Station sa Barangay Laoag, San Marcelino, Zambales nito lamang Linggo, ika-22 ng Disyembre, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng naturang istasyon sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Marvin B. Domacena, Acting Chief of Police, katuwang ang mga empleyado ng LGU ng naturang Bayan na pinangunahan ni Ms. Sarah Soria mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ito ay bahagi ng Year-End Assessment and Performance Review para sa BPATs, na kung saan tinalakay ang mahahalagang batas tulad ng Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Children), Republic Act 8353 (Anti-Rape Law), mga isyu ukol sa anti-illegal drugs, at ang papel ng mga Children in Conflict with the Law (CICL), na naglalayong higit pang palakasin ang kaalaman ng mga kalahok sa kanilang responsibilidad bilang katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.

Pinuri ni PMaj Domacena ang aktibong partisipasyon ng mga ito na nagpakita ng kanilang dedikasyon sa serbisyong pampubliko.

Patuloy ang suporta ng San Marcelino PNP sa ganitong uri ng mga programa upang maipagpatuloy ang mas malalim na pakikipagtulungan sa mga barangay at iba’t ibang sektor ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *