Force Multiplier, aktibong nakiisa sa Pulong-Pulong sa Cebu
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2025/01/467482253_973088161344266_3957954177216202926_n-1024x768.jpg)
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Pulong-Pulong na ginanap sa Sitio San Roque, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City, noong ika-1 ng Enero 2024.
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2025/01/471879579_620231017178220_424704734388152528_n-1024x768.jpg)
Ito ay pinangunahan ng Police Station 5, Lapu-Lapu City Police Office, sa pamumuno ni Police Lieutenant Myro Darlan L Silvania, Officer-In-Charge.
Ang kampanya ay naglalayong hikayatin ang mga Barangay Peacekeeping and Security Officers (BPSO) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na maging aktibong katuwang ng kapulisan sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad.
Sa pamamagitan ng talakayan o pulong-pulong, pinaalalahanan ang mga Force Multiplier na agarang iulat ang anumang kahina-hinalang kilos o tao sa kanilang lugar.
Bahagi ito ng mas pinalakas na counter-terrorism efforts na isinusulong sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas.