KKDAT, nakiisa sa Cyber Crimes Awareness sa Kiamba, Sarangani
Dumalo at nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terorismo sa isinagawang Cyber Crimes Awareness ng PNP sa Barangay Luma, Kiamba, Sarangani nito lamang, ika-03 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni PCpl Julieta Fabian, PNCO ng Kiamba Municipal Police Station ang nasabing awareness sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Emmanuel Y Lariosa, Hepe ng nasabing istasyon.
Binigyang diin ng PCpl Fabian, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa internet at maiwasan ang mga krimen na dulot nito. Pinaaalahanan na “think before you click” upang maiwasan na masangkot sa iba’t ibang krimen na dulot ng maling paggamit ng internet.
Layunin ng ganitong aktibidad na matutruan ang mga kabataan na magiging responsible sa paggamit ng social media at maging mapanuri.
Katuwang ng mga guro ang PNP sa pagpapalaganap ng awareness upang maiwasan maging biktima ng cybercrime.