Opisyales ng Barangay sa Negros Oriental, nakiisa sa pagpupulong ng BADAC
Nakiisa sa pagpupulong ng BADAC ang mga opisyales ng barangay na ginanap sa Barangay Poblacion District 2, Dauin, Negros Oriental, noong ika-5 ng Enero 2025.
Dumalo din sa nasabing pagpupulong ang mga kapulisan mula sa Dauin Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Monico G Cubalan Jr, Deputy Officer-In-Charge. Pinangunahan ito ni Hon. David A. Delfino, at tinalakay ang mga hakbang para sa tuloy-tuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.
Layunin nito na magbigay ng mas konkretong plano para sa matagumpay na pagpapatupad ng drug clearing program sa lugar.
Ang nasabing aktibidad ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng mga barangay sa pagsugpo sa ilegal na droga, na isa sa mga pangunahing adyenda ng administrasyon para sa pagkamit ng “Bagong Pilipinas.” Kasabay nito, binigyang pansin din ang mga anti-criminality programs na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Sa ganitong paraan, ang mga hakbang na ito ay nagiging pundasyon ng mas ligtas at maayos na pamumuhay ng bawat Pilipino.