BPATs, nakiisa sa Police Visibility at Security sa Makilala, North Cotabato

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang police visibility at security sa pagdiriwang ng Fiesta ng Sto Niño sa Sitio Balawan, Brgy. Malasila, Makilala, Cotabato nito lamang ika-25 ng Enero 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Makilala Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza, Officer-in-Charge ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.

Tumulong din ang mga force multipliers ng barangay. Layunin ng aktibidad na ito na maipagdiwang ang kapistahan ng Sto Niño ng matagumpay at ligtas para sa mga deboto.

Ang BPATs at PNP ay sama-sama at nagkakaisa na maibigay ang seguridad sa mga nasasakupan.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga force multipliers ng barangay upang mas lalong makamit ang ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *