Local Government Unit ng Palapag, ginunita ang Araw ng Kagitingan

Ginunita ng Local Government Unit ng Palapag ang ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na ginanap sa Bayan ng Palapag nito lamang Abril 9, 2025.
Pinangunahan ng Pamahalaang Lokal ng Palapag, sa pamumuno ni Mayor Florence Batula kasama ang Northern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director, Palapag Municipal Police Station, Special Action Company ng PNP-SAF, 74th Infantry Battalion ng Philippine Army, BFP-Palapag at Philippine Coast Guard-Palapag, gayundin ang mga opisyal at empleyado ng LGU-Palapag.


Ang kaganapan ay sinimulan sa isang wreath-laying ceremony o pag-aalay ng bulaklak bilang pagkilala at pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Bataan noong Abril 9, 1942. Ang mga bulaklak ay inialay sa dambana ni Dr. Jose Rizal na sagisag ng kabayanihan ng bawat Pilipino.
Ang selebrasyon ay nagsilbing paalala sa lahat ng kahalagahan ng kabayanihan at pagmamahal sa bayan, na siyang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon.