BPAT Enhancement Training, isinagawa sa Siquijor

Isinagawa ang isang matagumpay na Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Enhancement Training na ginanap sa Maria, Siquijor, noong ika-20 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Maria Municipal Police Station sa pamumuno ni PLT Saldy B. Villocillo, Officer-in-Charge, katuwang ang LIGA NG MGA BARANGAY – MARIA CHAPTER.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng kabuuang 44 na barangay tanod mula sa 22 barangay ng nasabing munisipalidad. Tinalakay dito ang iba’t ibang usapin kaugnay sa mga tungkulin at pananagutan ng mga tanod bilang mga katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaligtasan sa mga barangay. Nagkaroon din ng mga aktibidad na nagpatibay sa ugnayan at koordinasyon ng bawat isa.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga barangay tanod sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa seguridad at kaayusan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *