Information drive on drug awareness and prevention, isinagawa sa Sta. Fe National High School

Aktibong nakiisa ang mga estudyante ng Sta. Fe National High School sa isinagawang Information drive on drug awareness and prevention na ginanap sa Covered Court, Barangay Zone 1, Sta. Fe, Leyte nito lamang Hunyo 20, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Santa Fe Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Glenn P Chavero, Officer-In-Charge na nilahukan ng mga Grade 7 at transferee students ng nasabing paaralan.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na turuan ang mga kabataan sa mga panganib na paggamit ng ilegal na droga, isulong ang drug-free lifestyle, at himukin ang mga mag-aaral na maging responsableng miyembro ng komunidad.
Ang hakbangin na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na itaas ang kamalayan at palakasin ang mga hakbang sa pag-iwas laban sa mga aktibidad ng ilegal na droga, lalo na sa sektor ng kabataan.