KKDAT Basilisa, nakiisa sa school supplies giving sa Dinagat Island

0
520249943_918772367093606_7328399773144987493_n

NakiIsa ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) Basilisa sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Taga-Abaca National High School at mga tauhan ng Basilisa PNP sa pagbigay ng mga gamit pang-eskwela sa mga estudyante ng Taga-Abaca National High School noong Hulyo 16, 2025.

Ang simpleng ngunit taos-pusong inisyatiba ay nagpapakita ng kanilang pangako sa pagpapalakas ng moral kabataan, pagpapabuti ng access sa edukasyon, at pagtatayo ng mas ligtas at mas matibay na komunidad.

100 piling estudyante ang naging bebipisyaryo sa naturang programa.

Sa pakikiisa ng kabataan at kapulisan, mas maraming pangarap ang mabubuo.

Naniniwala din ang KKDAT Basilisa na ang bawat lapis, kuwaderno, at ngiti ay isang hakbang tungo sa isang mas magandang kinabukasan para sa mga taga-Basilisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *