Awareness Symposium, idinaos sa Sorsogon National High School

Nagsagawa ng Awareness Symposium ang Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) ng Sorsogon Police Provincial Office sa Sorsogon National High School noong Hulyo 15, 2025, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Grade 11.
Layunin ng symposium na maghatid ng mahahalagang impormasyon at paalala sa mga kabataan hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa kanilang kaligtasan at karapatan.
Tinalakay sa aktibidad ang mga Cyber Crime Awareness, Kamalayan sa Banta ng Bomba at Bawal Bastos Law (Safe Spaces Act).
Sa pamamagitan ng mga paksang ito, napalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga isyung panseguridad, online responsibility, at karapatang pantao.
Nagbigay rin ito ng paalala sa kabataan upang maging mas mapagbantay, magalang, at responsable sa parehong pisikal at digital na espasyo.

Dahil sa masiglang partisipasyon ng mga mag-aaral, naging dynamiko at makabuluhan ang palitan ng kaalaman at karanasan.
Isang patunay ito na aktibo at handang matuto ang kabataan na maaaring isang positibong senyales para sa kinabukasan ng ating bayan.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng 30th Police Community Relations Month, at sumasalamin sa patuloy na pangako ng Philippine National Police (PNP) na panatilihing ligtas at protektado ang ating mga paaralan lalong-lalo na ang ating mga kabataan.
Source: Sorsogon PPO