Force Multiplier, nakiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa Bohol

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa pagpapanatili ng kaayusan ng komunidad na ginanap sa bayan ng Pilar, Bohol noong ika-16 ng Hulyo 2025.
Ito ay sa pangunguna ng Pilar Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Waldo Suraliza Batad, OIC.
Layunin ng aktibidad na ito ang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa gabi at maiwasan ang anumang banta ng karahasan sa mga mahahalagang lugar at pampublikong pagtitipon sa kanilang nasasakupan.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad tungo sa iisang layunin—ang pagkakaroon ng isang ligtas, tahimik, at maunlad na bayan.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, patuloy ang PNP Pilar sa pagbibigay ng makataong serbisyo at tapat na paninilbihan sa bawat mamamayan.