2025 Nutrition Month Celebration, idinaos sa Busak Elementary School

Masayang nakilahok ang mga mag-aaral ng Busak Elementary School sa idinaos na 2025 Nutrition Month Celebration sa Brgy. Cabari-an, Pambujan, Northern Samar nito lamang Biyernes ika-18 ng Hulyo 2025.

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan kasama ang Revitalized-Pulis Sa Barangay Cabari-an sa pangunguna ni Police Lieutenant Leopoldo D Vivero Jr., Team Leader bilang Guest sa nasabing aktibidad.

Halos 125 mag-aaral ang nabigyan ng sopas bilang suporta sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Busak Elementary School.

Ang aktibidad ay may temang, “Sama Sama sa Nutrisyong Sapat Para Sa Lahat.” Kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng mabuting nutrisyon at malusog na pamumuhay sa paglaban sa malnutrisyon sa mga bata. Nagpapaalala rin ito sa mga magulang sa kanilang mahalagang papel sa pagtiyak na ang kanilang mga anak ay mapanatili ang balanced diet at magkaroon ng healthy habits.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 30th Police Community Relations (PCR) Month, ipinahayag ng PNP ang buong suporta nito para sa Nutrition Month, na nagtataguyod ng pagtutulungan ng komunidad sa pagtataguyod ng wellness at tamang nutrisyon.

Sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagsisikap na ito, lahat ay nagtutulungan upang lumikha ng mas malusog na kinabukasan para sa ating mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *