Iba’t ibang aktibidad, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan

0
viber_image_2025-07-30_10-24-52-439

Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 51st Nutrition Month at Philippine Agriculturists’ Month na pinangunahan ng Provincial Agriculture Office (PAgO), katuwang ang Provincial Nutrition Office (PNO) sa ilalim ng Provincial Health Office (PHO), na ginanap noong Hulyo 29, 2025 sa Centennial Pavilion ng gusaling kapitolyo ng Palawan.

Nagkaroon ng “Barakalan sa Kapitolyo” na magtatagal hanggang ngayong Hulyo 30, kung saan samu’t saring mga prutas at gulay ang maaaring mabili sa mura at abot kayang halaga, na produkto ng mga magsasakang Palaweño katuwang ang Palawan Tarabidan Multipurpose Cooperative.

Kasabay nito ay inilunsad rin ng PAgO ang ‘Gulayan sa Paaralan’ program upang tugunan ang isyu ng malnutrisyon sa Palawan. Samantala, nakiisa rin sa naturang aktibidad ang Palawan PNP sa pagpapanatili ng katahimikan sa naturang aktibidad.

Kabilang sa limang paaralan na benepisyaryo nito ay ang Caruray National Highschool, Rio Tuba National Highschool, Tanatanaen Elementary School, Apurawan National Highschool at Quezon National Highschool na pinagkalooban ng iba’t ibang vegetable inputs, organic fertilizer at mga garden tools.

Naging siksik naman sa kaalaman ang talakayan na handog ng PNO upang higit na mapaunlad ang kalusugan ng mga Palaweño. Nagkaroon din ng dietary assessment at iba pang libreng serbisyo mula sa PHO gaya ng blood pressure testing, rapid test at uric test.

Source: Palawan PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *