BPATS Training at Lecture ukol sa RA 9165, isinagawa sa Pagadian City

0
523814943_1198841088679593_8641312992098380329_n

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) at ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month Celebration, isinagawa, ang isang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Enhancement Training at lecture ukol sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 nito lamang ika-31 ng Hulyo, 2025.

Dinaluhan ng mga Barangay Officials, Purok Leaders, mga Sangguniang Kabataan (SK) Officers, at mga Barangay Tanod ng Barangay Lourdes ang nasabing aktibidad na layuning paigtingin ang kaalaman at kahandaan ng mga miyembro ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan katuwang ang Pagadian City Police Station sa pangunguna ni Police Captain Virginie P Bartiana, Chief ng Community Affairs and Development Section (CCAD) ng Pagadian City Police Station.

Sa isinagawang BPATs Enhancement Training, tinalakay ang mahahalagang tungkulin, pananagutan, at mga inaasahang gawain ng bawat miyembro bilang katuwang ng kapulisan sa pagbibigay ng seguridad sa barangay.

Binigyang-diin ni Police Captain Bartiana ang mahalagang papel ng mga BPATs sa pagsusulong ng ligtas at mapayapang pamayanan.

Kasabay nito, nagbigay rin siya ng isang komprehensibong lecture ukol sa RA 9165 upang mabigyang-kaalaman ang mga kalahok, lalo na ang kabataan, sa mga panganib at negatibong epekto ng ilegal na droga.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na mapalapit sa mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at edukasyon para sa mas ligtas at maayos na lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *