Community Anti-Terrorism Awareness, isinagawa sa Barangay Taptap, Cebu City

0
viber_image_2025-08-11_15-38-37-277

Isinagawa ng mga tauhan mula sa City Mobile Force Company – Cebu City Police Office (CMFC-CCPO) sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL FERDINAND MODALES CASIANO, Force Commander, ang Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) seminar sa Barangay Taptap, Lungsod ng Cebu, ganap na alas-10 ng umaga nitong Agosto 11, 2025.

Sa naturang seminar, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa barangay, pati na rin ang Communist Terrorist Group (CTG) awareness.

Bahagi rin ng diskusyon ang nilalaman ng Executive Order No. 70, na nagtataguyod ng isang buo at magkakaugnay na pamamaraan upang tuluyang wakasan ang armadong tunggalian sa bansa sa pamamagitan ng sama-samang aksyon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Binigyang-diin din ng CMFC-CCPO ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagbabantay sa kanilang paligid.

Hinimok pa ang bawat isa na agad na mag-ulat sa kapulisan ng anumang kahina-hinalang kilos o presensya ng mga taong maaaring magdulot ng panganib sa seguridad at kapayapaan ng komunidad.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng dedikasyon ng City Mobile Force Company na makipagtulungan sa mga pamayanan upang masigurong ligtas, mapayapa, at maayos ang kalagayan ng bawat residente.

Sa pamamagitan ng mga programang gaya ng CATA, nananatiling matatag ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan para sa isang mas ligtas na lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *