PNP at LGU, sama-sama sa pagsasagawa ng Bamboo Bridge sa Tubungan, Iloilo
Isang makabuluhang halimbawa ng tunay na Bayanihan ang nasaksihan ng mamamaynan nito lamang ika-10 ng Agosto, 2025 sa Barangay Mayang, Tubungan, Iloilo, nang magkaisa ang mga miyembro ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company (1st IPMFC), mga opisyal ng barangay, at mga residente para magtayo ng isang bamboo bridge sa Sitio Tambulan, Tubungan, Iloilo.
Ang proyekto ay nabuo matapos matukoy ng mga pulis ang pangangailangan para sa isang ligtas at maaasahang tulay sa lugar sa kanilang barangay immersion noong nakaraang Hulyo.
Agad na kumilos ang 1st IPMFC sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, Force Commander katuwang ang lokal na pamahalaan at mga mamamayan, upang maisakatuparan ang nasabing inisyatiba.
Ipinahayag ni PTLCOL Solis ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa nasabing proyekto.
Ang bagong bamboo bridge ay hindi lamang magsisilbing ligtas na daanan para sa mga residente, kundi magiging simbolo rin ng pagkakaisa at pagtutulungan ng PNP, LGU, at mamamayan sa pagharap sa mga hamon ng komunidad.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, muling napatunayan na sa pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan, walang suliraning hindi kayang lampasan.
Source: 1sf IPMFC FB Page