Symposium Activity, isinagawa sa Mabato Provincial Community HS sa Negros Oriental

0
viber_image_2025-08-12_16-02-14-996

Nagsagawa ang mga tauhan ng 4th Maneuver Company, RMFB NIR sa pamumuno ni PMAJ John Remo O. Evangelio, Acting Company Commander, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jay F. Malong, OIC, RMFB NIR, ng Pulis-sa-Eskwela Campaign (Project PEC) bilang bahagi ng “Ligtas Bayan Program” ng yunit, na ginanap sa Mabato Provincial Community High School sa Brgy. Mabato, Ayungon, Negros Oriental, noong ika-11 ng Agosto 2025.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng isang symposium na tinalakay ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), batas kontra-terorismo, anti rape law, at anti-bullying.

Sa pamamagitan ng regular na pagbisita sa mga paaralan, pagbibigay ng mga safety lectures, at mga interactive activities, hinihikayat ng programang ito ang kabataan na maging aktibong kabalikat sa pagpigil ng krimen at upang makaiwas sa posibleng panghihikayat ng Communist Terrorist Group (CTG).

Pinapatibay din nito ang kaalaman ng mga mag-aaral upang maging handa sa mga sitwasyong may kinalaman sa seguridad at kaligtasan.

Bahagi ng mas malawak na Ligtas Bayan Program ang ganitong mga gawain, na nakatuon sa pagpapatatag ng katatagan ng komunidad laban sa insurgency, kriminalidad, iligal na droga, at mga natural na kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *