Sangguniang Kabataan, nanguna sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan kaisa ang San Guillermo PS
Matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa Barangay Burgos at Barangay Villa Sanchez sa San Guillermo, Isabela, na may temang “Lokal Youth Actions for the SDGs and Beyond”noong ika-9 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad na ginanap sa magkaibang barangay ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK), mga opisyal ng mga barangay, at ng iba’t ibang sektor ng lipunan, kasama ang San Guillermo Municipal Police Station (MPS) bilang suporta sa adbokasiya ng pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan at pambansa.
Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng mahalagang talakayan si PCpl Preciously B. Narne, MCAD PNCO ng San Guillermo MPS, ukol sa mga sensitibo at napapanahong usapin gaya ng Anti-Terrorism at Anti-Illegal Drugs. Kaniyang binigyang-diin ang mga panganib na dulot ng ilegal na droga, ang mga umiiral na batas na nagbabawal dito, at ang mga hakbang upang maprotektahan ang kabataan laban sa pagkakasangkot sa ganitong gawain.

Ang aktibidad ay patunay ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng San Guillermo MPS at ng kabataang Pilipino sa pagsusulong ng adbokasiyang tumutugon sa pangmatagalang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan para sa hinaharap na henerasyon.
Source: San Guillermo PS