Advocacy Support Groups, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan nitong araw ng Linggo ika-23 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Aparri Police Station, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Bureau of Fire Protection at Philippine Coastguard.

Naglinis at nagpulot ang grupo ng mga basura at nakalikom sila ng sako-sakong basura mula sa tabing-ilog ng nasabing barangay.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina para sa ligtas at maayos na kapaligiran upang makaiwas sa mga sakit dulot ng maruming paligid.

Source: Aparri Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *