CAPLEDS, pinagtulungang isinagawa sa Iloilo
Sa pangunguna ng 12th Infantry (Lick ‘Em) Battalion, 3rd CMO Battalion, katuwang ang Philippine National Police at iba pang ahensya ng pamahalaan, matagumpay na isinagawa ang Community Awareness Peace Law Enforcement and Development Support (CAPLEDS) activity sa Barangay San Francisco nito lamang ika-17 ng Agosto, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay nagtipon ng iba’t ibang mga matataas ba opisyal kabilang sina Vice Mayor Hon. Vivian V. Buenavista, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Department of Public Works and Highways (DPWH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at iba pang mga opisyal ng nasabing mga departamento.
Ipinakita ng pagtutulungan ng bawat ahensya ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kaunlaran ng komunidad.
Naging mahalaga ang presensya ng bawat ahensya sa pagpapanatili ng kaayusan, pagbibigay ng seguridad, at pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.
Higit pang naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga Former Rebels (FRs) ng kanilang karanasan at mga aral mula sa kanilang pagbabalik-loob.
Sa isinagawang open forum, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga residente na direktang mailahad ang kanilang mga hinaing at suhestiyon sa mga kinatawan ng pamahalaan, na nagpatibay sa ugnayan ng gobyerno at mamamayan.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat ng ahensya, higit na napagtibay ang layunin na maitaguyod ang kapayapaan at kaunlaran para sa mamamayan. Ang pagkakapit-bisig na ito ay nagsisilbing inspirasyon tungo sa mas ligtas, maunlad, at nagkakaisang komunidad.
Source: 12Infantry Battalion 31D PA