Naval LGU, nakiisa sa isinagawang lecture sa BiPSU Student Center
Nakiisa ang Local Government Unit ng Naval sa isinagawang lecture sa mga mag-aaral na Grade 7 Junior High School ng BiPSU Student Center na ginanap sa Brgy. P. I. Garcia, Naval, Biliran nito lamang Agosto 18, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng LGU Naval kasama ang mga tauhan ng Naval Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Sherwin Amando L machete, Chief of Police na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang mga paksang tinalakay ay ang “Understanding Drug Pressures & How to Say No” at ang 911 National Emergency Hotline Number.
Ang ganitong gawain ay patuloy na isinasagawa upang tiyakin ang kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.