Ridgeview Park Pabahay Action Force, nakiisa sa night patrol sa Tacloban City
Nakiisa ang mga miyembro ng Ridgeview Park Pabahay Action Force sa isinagawang night patrolling ng Tacloban City Police Station 3 sa Brgy 97, Cabalawan, Tacloban City noong Agosto 22, 2025.
Ang inisyatiba ay mahigpit na sinusuportahan ng Barangay Council ng Brgy 97 Cabalawan, sa pamumuno ni Hon. Ronillo B Macauba, Brgy Chairman na naging consistent partner ng proyekto.
Ang Ridgeview Park ang una at modelong Pabahay ng Tacloban’s northern barangay na sinuportahan ng Tacloban Police Station 3 bilang isang Best Practice na tinaguriang “Pabahay Action Force” (PAF) at kumakatawan sa isang collaborative effort ng Tacloban City Police Station 3, ng Barangay 97 Cabalawan Council, at ng Ridgeview Park community.
Layunin ng nasabing night patrol na mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng residente at magbigay ng agarang pagtugon at tulong sa kahit sino man sa oras ng pangangailangan.