Road Safety at Anti-Noise Pollution Campaign, isinagawa sa Dolores, Quezon

0
viber_image_2025-08-23_16-22-51-375

Nagsagawa ng isang information dissemination activity ang Dolores Municipal Police Station sa Barangay Manggahan, Dolores, Quezon, nitong ika-21 ng Agosto 2025.

Pinangunahan ni PCpt Harold C. Panganiban, Officer-in-Charge ng Dolores MPS, ang aktibidad na dinaluhan ng mga kabataang residente ng nasabing barangay. Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa road safety, partikular na sa tamang paggamit ng motorsiklo.

Tinalakay ni PCpt Panganiban ang mga panganib ng hindi pagsusuot ng helmet, paglabag sa batas-trapiko, at kawalan ng disiplina sa kalsada. Kasabay nito, binigyang-pansin rin ang masamang epekto ng paggamit ng modified o open mufflers, na nagdudulot ng ingay at abala sa komunidad.

Ipinaliwanag rin ni PCpt Panganiban ang mga legal na implikasyon ng paggamit ng mga bawal na tambutso, gayundin ang mga hakbangin ng kapulisan upang tiyakin ang pagsunod sa mga umiiral na ordinansa at batas-trapiko.

Layunin ng inisyatibang ito na mahikayat ang kabataan na maging disiplinado, responsableng motorista, at aktibong katuwang ng pulisya sa pagtataguyod ng kaayusan at katahimikan sa pamayanan.

Source: Dolores Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *