Barangay Force Multipliers, Cabugao PNP at mamamayan, nagkaisa sa Coastal Clean-up Drive sa Barangay Pug-os
Sama-samang nagtulungan ang Barangay Force Multipliers, mga tauhan ng Cabugao Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Juan Jhayar N. Maggay, Chief of Police, at mga residente sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive nitong Agosto 23, 2025 sa baybayin ng Brgy. Pug-os, Cabugao. Layunin ng aktibidad na palakasin ang adbokasiya para sa kalinisan, kaligtasan, at kahandaan ng komunidad sa mga posibleng sakuna.
Bukod sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, tampok sa aktibidad ang mahalagang papel ng Barangay Force Multipliers na nagsilbing katuwang ng kapulisan sa pagbibigay ng seguridad at pag-oorganisa ng mga kalahok.
Sa kabuuan, matagumpay na naisakatuparan ang paglilinis ng baybayin na hindi lamang nakapagbigay ng mas malinis at ligtas na kapaligiran, kundi nagpatibay rin ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan, kapulisan, at mga mamamayan. Isang positibong halimbawa ito ng bayanihan tungo sa pangangalaga ng kalikasan at paghahanda laban sa mga sakuna.
Source: Cabugao PNP