Drug Symposium, isinagawa sa Bohol
Matagumpay na isinagawa ang Drug Symposium na pinangunahan ng Alburquerque Municipal Police Station na ginanap sa Upper Basketball Court, Barangay Tagbuane, Alburquerque, Bohol, noong ika-24 ng Agosto 2025.
Ang makabuluhang aktibidad ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Tagbuane sa pamumuno ni SK Chairman Rodzel H. Solis.
Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan at ng buong pamayanan hinggil sa banta ng ipinagbabawal na droga.
Sa naturang pagtitipon, tinalakay ang masasamang epekto ng droga sa kalusugan, isipan, at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ipinaliwanag din ng kapulisan kung paano sinisira ng iligal na droga ang buhay ng tao at nakakaapekto sa kaayusan ng komunidad.
Hinikayat din nila ang publiko na dumalo sa ganitong mga pagtitipon at makipagtulungan sa pamahalaan upang maiwasan ang parehong mga bisyo. Sa halip piliin na lang gumawa ng mga makakabuluhang gawain at magkaroon ng matiwasay, ligtas, at produktibong pamumuhay.
Binibigyang-diin din sa symposium ang mahalagang papel ng pamilya, disiplina, at pagkakaisa bilang sandigan ng kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
Ang tagumpay ng symposium ay nagsilbing patunay ng matibay na pakikipagtulungan ng SK, kapulisan, at komunidad laban sa iligal na droga. Ito ay isang konkretong hakbang tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan para sa kinabukasan ng mga kabataan sa Barangay Tagbuane ng nasabing lungsod.