BPATs, nakibahagi sa Barangay Visitation at Lecture ng San Miguel PNP at RCSMDM
Aktibong nakibahagi ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang barangay visitation at lecture ng San Miguel Municipal Police Station katuwang ang Rotary Club of San Miguel De Mayumo sa Brgy. Batasan Matanda, San Miguel, Bulacan nito lamang Lunes, ika-25 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Lieutenant Colonel Jowilouie B Bilaro, Acting Chief of Police ng San Miguel MPS, kasama ang pamunuan ng Rotary Club sa pangunguna ni Ms. Annabelle L. Gaddi, President.
Kasabay ng talakayan, namahagi rin ng mga kagamitan para sa pagpapatrolya ng mga kawani ng barangay bilang bahagi ng Project Peace ng Rotary Club of San Miguel De Mayumo.
Alinsunod sa direktiba ni Police Colonel Angel L GGarcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy ang San Miguel MPS sa pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon at pangkomunidad na naglalayong maghatid ng kaalaman, disiplina, at kaligtasan sa mamamayan.
Layunin ng programa na magbigay ng kaalaman hinggil sa tamang pag-iingat laban sa krimen, masamang epekto ng iligal na droga, at wastong asal upang makaiwas sa kapahamakan.

