Ika-2 Anibersaryo ng Stable Internal Peace and Security (SIPS), isinagawa sa Buenavista, Quezon Province
Matagumpay na ipinagdiwang ang ika-2 Anibersaryo ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) sa Buenavista Municipal Covered Court, Buenavista, Quezon Province nitong ika-24 ng Agosto taong kasalukuyan.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang si PCol Romulo A. Albacea, Acting Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, kasama ang mga lokal na opisyal, uniformed personnel, at mga lider-komunidad na nagtipon upang pagtibayin ang kanilang pagkakaisa para sa kapayapaan, seguridad, at kaunlaran ng kanilang bayan.
Sa pagdiriwang, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng buong komunidad upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaayusan na nagsisilbing pundasyon ng kaunlaran. Ang pagpapanatili ng SIPS ay nakasalalay hindi lamang sa pamahalaan kundi higit sa lahat sa aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan.
Ang naturang aktibidad ay patunay ng patuloy na pagkilos at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at ng mamamayan ng Buenavista upang mapanatili ang matatag na kapayapaan at seguridad sa kanilang komunidad.
Source: Quezon PPO