Programang Kabataan Kontra Kriminalidad, tampok sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa Virac, Catanduanes

0
viber_image_2025-08-27_13-00-52-937

Matagumpay na isinagawa ng mga kabataan ng Barangay San Roque, sa Virac, Catanduanes, ang Linggo ng Kabataan Celebration Youth Camp 2025 sa pangunguna ni Hon. Kristine Joy Magtangob, Chairperson, noong Agosto 25, 2025.

Bilang bahagi ng programa, inimbitahan si PMSg Antonino Aquino, MCAD mula sa Virac MPS na pinamumunuan ni PMAJ KENNETH DING C GUTIERREZ, COP upang magsagawa ng orientation hinggil sa KKK Program ng PNP at magbahagi ng awareness lecture tungkol sa pag-iwas sa iligal na droga, terorismo, at kriminalidad.

Naimbitahan din si Mr. Paul Vincent Tabor, Mental Health Coordinator ng RHU Virac upang magbahagi tungkol sa pangangalaga ng kalusugan para bawat kabatan.

Layon ng aktibidad na mapalalim ang kaalaman ng mga kabataan sa masasamang epekto ng mga ipinagbabawal na gawain at mapalakas ang kanilang papel bilang mga responsableng mamamayan na katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Patuloy ang suporta ng Virac MPS sa mga programang pangkabataan at gawaing pangkomunidad bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP para sa mas mapaigting pa ang pagpapatupad ng crime prevention at public safety sa lungsod.

Source: Virac Mps Catppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *