Drug Awareness Lecture, isinagawa sa Sorsogon City

0
viber_image_2025-08-27_13-02-54-908

Noong Agosto 25, 2025, nagsagawa ang Sorsogon City Police Station ng isang Drug Awareness Lecture na may layuning bigyan ng tamang kaalaman ang mga kabataan at miyembro ng women’s sector ng Brgy. San Jose, Maricrum, Bacon District, Sorsogon City hinggil sa masasamang epekto ng iligal na droga.

Pinangunahan ito ni PMSg Verly E. Perez, ang PCAD PNCO ng himpilan, na tinalakay ang iba’t ibang uri ng droga, ang epekto nito sa kalusugan at kinabukasan, at ang mga legal na parusang kaakibat ng paggamit, pagbebenta, at pagtutulak nito.

Samantala, ibinahagi rin ni PLTCOL CHRISTOPHER F ADUVISO, Hepe ng nasabing istasyon, ang mahahalagang impormasyon tungkol sa 911 Emergency Hotline, kung kailan at paano ito dapat gamitin, at ang kahalagahan ng tamang paggamit nito upang maiwasan ang maling alarma at matiyak ang agarang pagresponde ng mga awtoridad.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP sa pagpapatibay ng kaalaman ng kabataan at kababaihan upang sila’y makaiwas sa bisyo at maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang barangay.

Source: Sorsogon Cps Sorsogon Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *