Puno ng Pag-asa: Rotary Club ng Lingayen, nanguna sa tree planting sa Mangatarem, Pangasinan

0
viber_image_2025-08-27_13-22-22-641

Bilang matatag na katuwang sa pangangalaga ng kalikasan para sa susunod na henerasyon, patuloy na nangunguna ang Rotary Family ng Lingayen sa mga makabuluhang inisyatibo ng pagtatanim ng puno sa lalawigan ng Pangasinan.

Noong ika-24 ng Agosto 2025, nagtulong-tulong ang mga miyembro ng Rotary, Rotaract, at Interact Clubs ng Lingayen, kasama ang grupo ng Pangasinan Native Trees Enthusiasts, sa pagtatanim ng 200 punla ng puno sa Daang Kalikasan, bayan ng Mangatarem. Ang aktibidad na ito ay kasunod ng naunang pagtatanim na isinagawa noong Agosto 10 sa parehong lugar — patunay ng patuloy na dedikasyon ng grupo sa ekolohikal na rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagpaparami ng katutubong punongkahoy.

Ipinapahayag ng parehong grupo na ang pangangalaga sa kalikasan ay pananagutang dapat pinagsasaluhan ng bawat isa.

Tunay ngang naipapamalas ng Pamilya ng Rotary ng Lingayen ang tema ng Rotary International ngayong taon na “United for Good,” na sa kanilang pagkakaisa, sila ay patuloy na nagtatanim ng pag-asa at ugat para sa mas masaganang kinabukasan ng mga susunod na salinlahi.

Source: Rotary Club of Lingayen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *