Mga mag-aaral, nakiisa sa Symposium Activity sa Siquijor
Nakiisa ang mga mag-aaral sa Symposium Activity na pinagunahan ng Maria Municipal Police Station sa pamumuno ni PLT SALDY B. VILLOCILLO, Officer-in-Charge, na ginanap sa Lico-an Elementary School, Brgy. Lico-an, Maria, Siquijor, noong ika-28 ng Agosto 2025.
Tinalakay sa naturang lecture ang mga batas at kampanya tulad ng Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), RA 11313 (Safe Spaces Act), RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), pati na rin ang OSAEC (Online Sexual Abuse or Exploitation of Children), CSAEM (Child Sexual Abuse or Exploitation Materials), at RA 10627 (Anti-Bullying Act of 2013).
Bukod dito, nagbigay rin ng iba’t ibang crime prevention tips ang kapulisan upang magabayan ang mga kabataan at komunidad sa pag-iwas sa mga banta ng krimen.
Sa pamamagitan ng kaalaman, inaasahang magiging mas handa ang mga mamamayan na makipagtulungan sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang kapaligiran.
Ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng adbokasiya ng Maria PNP upang patuloy na magbigay-serbisyo na may ngiti at malasakit para sa mamamayan.
Pinatitibay nito ang hangarin ng kapulisan na sa Bagong Pilipinas, ang tanging nais ng pulis ay ang katiyakan na ligtas ang buong komunidad.