Quirino PPO Child Development Center, nagdiwang ng Buwan ng Wika 2025

0
viber_image_2025-08-30_18-49-17-721

Matagumpay na isinagawa ng Quirino Police Provincial Office-Child Development Center (QPPO-CDC) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 ngayong Agosto 29, 2025 sa mismong Child Development Center.

Pinangunahan ni Police Colonel Paul Y. Gamido, Provincial Diector ng Quirino Police Provincial Office, na nagbahagi ng makabuluhang mensahe para sa mga guro, magulang, at mag-aaral.

Tampok sa selebrasyon ang parada ng mga katutubong kasuotan, pagpapakilala ng mga bata, at makukulay na pagtatanghal na sumasalamin sa pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling kultura at wika.

Ayon kay PCol Gamido, ang wikang Filipino ay mahalagang haligi ng pagkakaisa at pag-unlad ng sambayanang Pilipino, kaya’t dapat itong pahalagahan at ipagmalaki ng bawat isa.

Ang pagdiriwang ay nagpatibay ng kamalayan sa kahalagahan ng ating wika bilang bahagi ng pambansang pagkakakilanlan at tulay sa mas matibay na bukas para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Quirino PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *