ICM at BPAT Eagle Society, nakipagkasunduan sa PRO1 para sa mas matibay na ugnayan sa komunidad

Pinangunahan ni PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng Police Regional Office 1 (PRO1), ang makabuluhang seremonyang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang International Christian Mission (ICM) at ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Eagle Society.
Kasama rin sa nasabing aktibidad sina PCol Dominic B. Guerrero, Chief ng Community Affairs and Development Division (RCADD), at PLtCol Ricky A. Camisola, Officer-in-Charge ng Regional Learning and Doctrine Development Division (RLDDD).
Layunin ng kasunduang ito na pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan, mga organisasyong pananampalataya, at mga grupong pangkomunidad upang mapalakas ang kooperasyon para sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng MOU, muling pinagtibay ng PRO1 ang kanilang adbokasiya sa inclusive at proactive na peacebuilding, na kung saan ay binibigyang-halaga ang aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga barangay.
Ang PRO1 ay patuloy na naninindigan sa kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng publiko, sa tulong ng mga katuwang mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Source: Police Regional Office 1