BADAC Meeting at Anti-Terrorism Dialogue, inilunsad sa Bohol
Dumalo ang mga tauhan ng Buenavista Municipal Police Station, sa pangunguna ni PMAJ SHERWIN SALAZAR DESTORA, Hepe ng Pulisya, sa ginanap na buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Anti-Terrorism Lecture sa Barangay Sweetland, Buenavista, Bohol, noong ika-15 ng Setyembre 2025.
Sa pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang usapin kaugnay ng nagpapatuloy na kampanya laban sa iligal na droga, kabilang na ang patuloy na pagbabantay sa mga iligal na aktibidad.
Bukod dito, binigyang-diin ang Anti-Terrorism at Insurgency Awareness, gayundin ang mga programa ng NTF-ELCAC at ang pagpapatupad ng Executive Order No. 70, na layong palakasin ang seguridad at kapayapaan sa komunidad.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang pagkakaisa ng pamahalaan, pulisya, at mga residente upang makamit ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na barangay na malaya sa droga at banta ng terorismo.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan, mas napapalakas ang tiwala ng publiko sa kapulisan at mga ahensya ng pamahalaan.