PNP, Philippine Army, at Byne Memorial Baptist Church, nagkaisa sa pamamahagi ng tulong sa Tapaz, Capiz
Ipinamalas ng 602nd Company ng Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6) ang diwa ng bayanihan at malasakit sa isinagawang gift-giving activity sa Barangay San Jose, Tapaz, Capiz nito lamang ika-8 ng Nobyembre, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng Byne Memorial Baptist Church, 12th Infantry Battalion ng Philippine Army, at mga opisyal ng Barangay San Jose.
Layunin ng nasabing aktibidad na maipamahagi ang mga pangunahing pangangailangan at food packs sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa nasabing barangay.
Sa pangunguna ng 602nd Company, pinangunahan nila ang operasyon bilang simbolo ng kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko at pagtulong sa mga mamamayan, hindi lamang sa larangan ng seguridad kundi pati sa pagpapaunlad ng komunidad.
Malaki rin ang naging ambag ng Byne Memorial Baptist Church sa pagbibigay ng mga pangunahing resources para sa aktibidad, habang ang 12th Infantry Battalion ng Philippine Army ay nagsilbing katuwang sa pagtiyak ng maayos na daloy ng distribusyon at seguridad ng mga kalahok.
Ang mga opisyal ng Barangay San Jose naman ang tumulong sa koordinasyon ng mga benepisyaryo upang maging sistematiko at maayos ang pamamahagi.
Ang matagumpay na kolaborasyong ito ay patunay ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan, simbahan, at lokal na pamahalaan sa layuning makapaghatid ng tulong, malasakit, at inspirasyon sa mga mamamayan ng Tapaz, Capiz.
Source: RMFB Six Pathfinder FB Page