Emergency Meeting kaugnay sa Severe Tropical Storm “Uwan”, isinagawa sa Leyte

0
viber_image_2025-11-10_07-32-56-628

Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng emergency meeting hinggil sa Severe Tropical Storm ‘Uwan’ sa bayan ng Tabontabon, Leyte, nito lamang Nobyembre 8, 2025.

Ang meeting ay pinangunahn ni Hon. Efren D. Redoña, Mayor ng Tabontabon kasama ang mga Department of Social Welfare and Development, Municipal Health Office, Bureau of Fire Protection at mga tauhan ng Tabontabon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Steve John M Abasolo, Acting Chief of Police.

Nakatuon ang mga talakayan sa mga pinakabagong update sa panahon, potensyal na panganib, paghahanda sa barangay at koordinasyon ng mga pagsisikap sa pagtugon upang mabawasan ang posibleng epekto ng masamang panahon (severe tropical storm) gaya ng iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).

Ang naturang aktibidad ay naglalayong tiyakin ang mga proactive na hakbang, safety protocols, at kahandaan ng lahat ng kinauukulang tanggapan para sa mga posibleng epekto ng Severe Tropical Storm “UWAN.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *