PNP, Nakiisa sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Uwan sa Ilocos Sur
Nakiisa ang mga tauhan ng Ilocos Sur Police Provincial Office sa isinagawang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng Bagyong #UwanPH sa mga bayan ng Sta. Maria at Burgos, Ilocos Sur, nito lamang Nobyembre 13, 2025.
Katuwang ng PNP sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Pamilya sa Bagong Pilipinas (PBP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Health (DOH), at mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Umabot sa 631 Family Food Packs (FFPs) ang kabuuang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, kung saan 148 kabahayan ang personal na nakatanggap ng ayuda sa nasabing araw.

Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang koordinasyon ng PNP sa mga ahensyang nagbibigay ng tulong upang matiyak ang maayos, mabilis, at ligtas na pamamahagi ng relief goods sa mga lugar na nasalanta.
Sa ganitong mga pagkakataon, muling ipinamalas ng kapulisan ang diwa ng Bayanihan at malasakit sa kapwa, bilang katuwang ng pamahalaan sa pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan tungo sa mas matatag at maunlad na Bagong Pilipinas.