Mga mag-aaral sa Arteche NHS, nakilahok sa isinagawang lecture sa Eastern Samar
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Arteche National High School sa isinagawang lecture ng kapulisan na ginanap sa Brgy. Rawis, Arteche, Eastern Samar nito lamang November 13, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Dominique G Ordonio, Officer-In-Charge kasama ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong isulong ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga panganib ng ilegal na droga, maunawaan ang banta ng terorismo at marahas na ekstremismo, at isaalang-alang ang pakikiisa sa pamahalaan para sa kaunlaran.
Ang 801st MC, RMFB 8 ay patuloy na mangunguna sa makabuluhang aktibidad na magpapalakas sa kakayahan ng mga kabataan at komunidad upang maisulong ang isang ligtas, walang droga, at mapayapang lipunan.