KarapatRUN 2025, umarangkada sa Antique
Umarangkada sa lalawigan ng Antique ang KarapatRun 2025 na dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon kabilang na ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Antique nito lamang November 15, 2025 sa EBJ Freedom Park.
Bahagi ang aktibidad sa selebrasyon ng 33rd National Children’s Month (NCM) nitong buwan ng November, alinsunod sa Republic Act No. 10661, o ang “National Children’s Month Act,” na naglalayong palawakin ang kampanya ng pamahalaan sa pangagalaga sa karapatan ng mga kabataan.

Isa sa mga sumusuporta ng naturang aktibidad si Governor Paolo S. Javier, na binigyang diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa karapatan ng mga kabataan. Dagdag pa niya na responsibilidad ng lahat ng mga taga Antique ang pagsaalang-alang sa karapatan ng nga kabataan nilang pag-asa ng ating inang bayan.
Ang proceed ng nasabing fun run ay inaasahang ipambibili ng mga school supplies para sa mga nangangailangang kabataan sa lalawigan.
Natapos ang aktibidad sa isang Zumba session na pinangunahan naman ng Philippine National Police (PNP), na siyang nagdagdag ng kasiyahan sa naturang programa.