San Mateo Police Station at LGU San Mateo, Opisyal ng ideneklara bilang Drug- Free Workplace ng PDEA- Isabela

0
viber_image_2025-11-21_12-07-36-211

Sa patuloy na kampanya ng Philippine National Police laban sa mga iligal na droga, ang kapulisan ng San Mateo Police Station, sa pamumuno ni PMaj Ericson B. Aniag, hepe ng San Mateo PS, at ang Local Government Unit ng San Mateo, Isabela, ay opisyal ng idenekla bilang Drug-Free Workplace ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Isabela dakong ika 10:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 20, 2025, sa Municipal Session Hall, Municipal Building San Mateo, Isabela.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng Isabela Police Provincial Office Staff sa pangunguna ni PCol Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office at PLtCol Jomar F. Julian, C,PCADU; DIR III Cesario P. Castro, Regional Director, PDEA; IA V Editha Bunagan, PDEA Provincial Director ng PDEA-Isabela, LGU-employee sa pangunguna ni Hon. Atty Gregorio A. Pua, Municipal Mayor; Mr. Baldovino B. Valdez, MLGOO at mga kapitan ng barangay na pinangungunahan ni Hon. Edilberto De leon, LNB President.

Sa unang bahagi ng programa ay ipinaabot ni PMaj Aniag ang kanyang mainit na pagbati para sa lahat ng dumalo sa nasabing programa, na sinundan naman ng mensahe ni Hon. Pua na nagpasalamat sa lahat ng tauhan ng San Mateo PNP at mga empleyado ng pamahalaan sa matagumpay na pagkamit ng Drug-Free workplace sa dako ng kanilang pinagtatrabahuan. Buong pagmamalaki ding ipinahayag ni PCol ang kanyang personal na pagsaludo sa naturang istasyon at LGU San Mateo. Aniya, ito ay bunga ng masusing pagpapaigting at pagpapalaganap ng mga batas upang masigurong ligtas at drug-free ang komunidad, alinsunod sa direktiba ni PLtGen Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Acting PNP Chief.

Bahagi ng programa ay ang pagsasagawa ng ceremonial Unveiling of drug-free workplace signage sa pangunguna ni Mr Valdez na sinundan ng signing of pledge of commitment ng lahat ng mga dumalo sa naturang programa, kasunod ng paggawad ni IO II Dennis M. Acosta, ng sertipiko bilang simbolo ng malinis na lugar ng hanap-buhay. Pagkatapos ay ang pagbibigay ng mensahe ni DIR III Cesario P. Castro, na kanyang binigyang diin na ang pagkakaroon ng ganitong programa ay makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at mabilis na pag-unlad ng bayan ng San Mateo, Isabela.

Sa pagtatapos ng programa ay nagpaabot din ng mensahe si Sangguniang Bayan Member Hon. Aristotle M Visaya, Peace and Order Council Chairman. Sa kaniyang mensahe, nangako siyang makikiisa at susuportahan ang adbokasiya ng PNP San Mateo sa pagsusulong ng isang ligtas at mapayapang bayan ng San Mateo.

Source: San Mateo PS Valleycops

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *